Saturday, March 9, 2019

Ang aking Kaibigan
Ang taong ito ay matagal ko ng kaibigan mula elementary hangang highschool.
Marami na kaming naranasan sa buhay.
Siya ay mabait matalino at matangkad.
Gusto ko sanang maka sama siya hanggang pagtapos ng highschool.
Siya rin ay magaling sa mga laro sa computer tulad ng Dota Ros Crossfire
Ang gusto ko sa kaniya ay lagi siyang tumutulong saakin sa panahon ng kagipitan.
Alam ko na minsan kami ay ng aaway dahil sa ibat ibang bagay pero kami ay kaibihan parin hanggang sa muli.
ANG SERPYENTE(ibong adarna)
:Ang serpyente ay isang mahiwagang hayop na natatagpuan sa kahariang nasa ilalim ng balon.
 Nang nakita si Don Juan ay umungal na malakas ang Serpyente. Naglaban ang dalawa sa tagal ng tatlong oras. Walang patlang ang Serpyente nang may sugat sa katawan. Patuloy pa rin sa paglalaban na parang walang kapansanan. Sa wakas ay pinatay ang Serpyente. Pinutol ni Don Juan ang pitong ulo nito at binuhusan ng balsamo.
Ito ang serpyente na gawa sa clay.

Sunday, January 27, 2019

ANG ALAMAT NG FLOORWAX - IVAN ROSAS
 Isang Araw ay may isang pamilyang nakatira sa Ampayon. Sila ang Pamilyang Cruz. Sila ay mahirap lamang at nakatira sa isang maliit na bahay. May isa silang anak na si Paolo. Si Esing naman ang kaniyang nanay. Si Pedro ay ang kaniyang tatay. Si pedro ay makasarili ,mainitin ang ulo at palaging umiinom ng alak kaya minsan ay palagi siyang nakikipag away sa kaniyang mga kaibigan. Isang araw ay nagkasakit ang anak na si Paolo, wala silang pangbili ng gamot kay umaasa nalang sila sa tubig.
Noong gabing iyon ay umuwi ng lasing si Pedro. Nakasalubong niya si esing at sinabihan si Pedro,"Uminom kana naman! Palagi ka nalang ganyan! Kung nagtrabaho ka lang sana ay may pang bibili tayo ng gamot para sa anak natin". Nagalit si Pedro at sinabi kay esing " Magtatrabaho lang ako kung gusto ko!". "Inay, Tay wag napo kayong mag away." Sabi ni Paolo. "Tumahimik ka nga diyan!" Galit na sinabi ng ama sa anak. Sa galit ng ama ay kumuha siya ng kutsilyo at sinaksak ang mag- ina. Nag sisi si Pedro sa nangyari. Kinuha nya ang kutsilyo at sinaksak ang sarili. Ang dugo ng pamilya ay dumadaloy daloy sa sa sahig at nagiging makintab ang sahig. Naglipas ang panahon ay napansin ng kamaganak na hindi na sila nagparamdam at nag plano na bisitahin sila sa kanilang bahay nakita ng kamaganak ang bangkay ng pamilya at humingi ng tulong. Napansin niya na ang sahig ay nagiging makintab. Kaya ngayon ay ginagamit nanatin ang floor wax sa bahay o sa paaralan upang maging makintab ang mga sahig.

Ang aking Kaibigan Ang taong ito ay matagal ko ng kaibigan mula elementary hangang highschool. Marami na kaming naranasan sa buhay. Siya ...